Magbayad Ng Maaga At Manalo Raffle Promo, Muling Ilulunsad
Bilang pasasalamat ng PALECO sa mga miyembro nito na patuloy na sumusuporta at sumusunod sa polisiya ng kooperatiba patungkol sa pagbabayad ng buwanang bayarin, muling ilulunsad ng ating Kooperatiba ang Magbayad ng Maaga at Manalo Raffle promo. Ang "Magbayad ng Maaga at Manalo Raffle Promo ngayong taon ay sisimulan sa buwan ng Marso hanggang buwan ng Enero 2016."

Lahat ng MCOs na nasa ilalim ng PALECO main office at mga sub-offices nito na makakapagbayad ng kanilang mga buwanang bayarin ng maaga o sa takdang panahon sa mga collection offices nito, mga banko at sa Palawan Pawnshop ang maaaring masali sa raffle. Ang mga mananalo ay mapipili sa pamamagitan ng computer generated process na random number generation.

Ang raffle draw ay gagawin tuwing ikalawang Lunes ng buwan, 2:00 ng hapon na gaganapin sa Punong Tanggapan ng PALECO. Tatlong MCOs mula sa main office at isa sa bawat sub-offices ang mananalo ng mga sumusunod:

    March 9, 2015: Rice Cooker
    April 13, 2015: Stand Fan
    May 11, 2015: Rechargeable Lamp
    June 8, 2015: Gas Stove
    July 13, 2015: Blender
    August 10, 2015: Electric Kettle
    October 12, 2015: AM/FM Radio
    November 9, 2015: Cellphone
    December 14, 2015: P1000 Gift Certificate


Gaganapin naman ang grand draw sa January 25, 2016 kung saan isang MCO ang mananalo ng grand prize na 7 c.u. refrigerator at 30 consolation prizes na Cellphone.

Inaasahan ng pamunuan ng PALECO na sa pamamagitan ng nasabing gawain ay higit na mahihikayat ang mga MCOs dito sa lungsod at sa iba pang mga munisipyo na nasasakupan ng Kooperatiba na magbayad na kanilang buwanang obligasyon sa takdang panahon.




Posted: March 09, 2015
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2017