Mobile Collection, Isasagawa ng PALECO
Bilang tugon sa matagal ng kahilingan ng mga miyembro ng PALECO sa mga malalayong barangay sa lungsod na magkaroon ng koleksyon ng buwanang bayarin sa kanilang mga lugar, sa darating na Agosto ilulunsad na ng PALECO ang programang Mobile Collection .

Sa pamamagitan ng Mobile Collection, maaari ng magbayad ng kanilang buwanang bayarin ang mga miyembro na hindi na kinakailangang pumunta sa bayan, bagkus ang PALECO ang lalapit sa kanila.

Tuwing unang Huwebes ng bawat buwan ay magsasagawa ng Mobile Collection ang mga empleyado ng PALECO sa bahaging Norte ng lungsod.

- 9:00 am-12:00 nn maaaring magbayad ang miyembro sa staff house ng PALECO sa Bgy. San Rafael.

- 1:00 pm-4:00 pm naman sa staff house ng PALECO sa Bgy. Salvacion.

Narito ang skedyul para sa taong kasalukuyan; Agosto 6, Setyembre 3, Oktubre 1, Nobyembre 5 at Disyembre 3.

Samantala, tuwing unang Biyernes naman ng bawat buwan gagawin ang Mobile Collection sa mga Barangay sa bahaging Sur ng Lungsod.

- 9:00 am-12:00 nn ay maaaring magbayad ang mga miyembro sa Bgy. Hall ng Mangingisda.

- 1:00 pm-4:00 pm naman ay maaaring magbayad sa Bgy, Hall ng Luzviminda.

Narito ang skedyul para sa taong kasalukuyan; Agosto 7, Setyembre 4, Oktubre 2, Nobyembre 5 at Disyembre 4.

Sa mga magbabayad sa mga nabanggit na lugar, pakisuyo pong dalhin ang inyong mga statement of account o kaya lumang resibo para masigurado ang halaga at account number na inyong babayaran.


Posted: July 27, 2015
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2018