ERC Nagpalabas Ng Desisyon Patungkol Sa Inihaing Over O Under Recovery Ng PALECO
Nagpalabas ng desisyon ang Energy Regulatory Commission (ERC) patungkol sa inihain ng PALECO para sa pag-aproba ng mga over at under recoveries nito sa singilin sa mga miyembro ng kooperatiba mula July 2005 to December 2010.

Sa nasabing disisyon, lumalabas na may sobrang nasingil ang PALECO ng mga nasabing taon sa mga miyembro nito na umabot sa P7,205,902.55. Ang mga ito ay sa mga sumusunod na kategorya at ibabalik sa mga miyembro.



Samantala, pinapayagan naman ng ERC na singilin ang mga miyembro ng PALECO sa mga kulang na nasingil sa mga ito na umabot sa P30,956,566.66 para sa mainland :



at P5,478,555.65 sa mga island Municipalities.



Ayon sa ERC, nagkaroon umano ng under at over recovery sa mga singilin sa mga miyembro dahil sa mga sumusunod na dahilan:

- Sa generation rate dahil sa limitasyon sa ginagamit na formula sa pagcompute dahil ito ay base sa mga lumipas na buwan samantalang sa confirmation ang ginagamit na basehan ay current month.

- Sa system loss, ang pagkakaroon ng recovery dito ay bunsod rin sa malaking under recovery sa generation rate, dahil isa ito sa mga variables sa pag-compute ng system loss.

- Nagkaroon rin ng under recovery sa lifeline subsidy dahil sa hindi magkatugma ang diskwento ibinigay ng kooperatiba sa mga lifeliners at kinokolekta sa mga non life liners.

- Samantala, patungkol sa inter class cross subsidy bagamat wala na ito sa kasalukuyan, noong panahon na ipinatutupad ito sa mainland ay sumobra ang singil dito dahil sa lumaki ang kWh sales ng mga nagsa-subsidize at bumaba ang kWh sales sa mga binibigyan na subsidiya na mga consumer.Samantala, kinulang naman ang nasingil sa mga consumer sa isla.

- Sumobra naman ang nasingil sa Reinstated Prompt Payment Discount dahil sa pabago-bago ng kWh sales ng kooperatiba. Ang pagbabalik at pangongolekta sa mga nasabing singilin ay ipapatupad sa Enero 2016, ayon sa Finance Service Department. Ito ay upang magkaroon pa ng panahon sa pag modify ng billing system software ng kooperatiba. Kinakailangan umano na makolekta ang mga under recovery para magamit sa operasyon ng PALECO.


Posted: September 28, 2015
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2018