ERC Magsasagawa ng Hearing sa Aplikasyon ng PALECO Patungkol sa Under Recoveries Nito
Magsasagawa ang Energy Regulatory Commission (ERC) ng jurisdictional hearing, expository presentation, pre-trial conference at evidentiary hearing sa ika -23 ng Pebrero taong kasalukuyan, 9:00 ng umaga sa PALECO Main office. Ito ay patungkol sa aplikasyon ng PALECO na ma-recover ang P36,594,631.25 na kulang na nasingil nito sa mga consumer simula September 2007 hanggang May 2014.

Sa aplikasyon, nais masingil ng PALECO sa mga consumer nito ang nasabing halaga sa loob ng tatlong taon simula 2016 hanggang 2018 sa rate na 0.047138004/kWh. Nagkaroon ng under recovery dahil sa mas maliit ang nasingil ng PALECO sa supply charge rate sa mga nabanggit na taon kaysa sa dapat nitong singilin dahil sa implementasyon ng Reinstated Prompt Payment Discount (PPD).



Sakaling katigan ng ERC ang aplikasyon ng PALECO, gagamitin ang marerecover na halaga sa operasyon ng kooperatiba. Iniimbitahan po mga interesado na dumalo sa nasabing pagdinig.


Posted: February 15, 2016
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2017