TATLONG PANDISTRITONG HALALAN NG PALECO NAKATAKDA NGAYONG MARSO


Nakatakda sa buwan ng Marso ang tatlong pandistritong halalan ng PALECO. Ito ay para sa mga sumusunod na distrito.



Maaaring makaboto ang mga naging miyembro ng Kooperatiba hanggang November 30, 2017. Para sa mga qualification na dapat taglayin ng mga nais kumandidato maaari itong makita sa website ng PALECO, www.paleco.net at facebook fan page www.facebook/palawanelectriccoop. Maaari ring madownload dito ang certificate of candidacy (COC) at makita ang checklist ng mga dapat na isumiteng papeles. Gayundin ang masterlist of voters para sa mga nasabing distrito.

Magpapaskil ang mga kawani ng PALECO ng pabatid patungkol sa gagawing eleksyon gayundin ang masterlist ng mga miyembro na maaaring bumoto sa City Hall, Capitol, mga opisina ng PALECO at lahat ng Barangay na nasasakupan ng District II sa February 2. Samantala, magpapaskil rin ng pabatid at master list of voters sa District V at District VII sa February 9 at February 15.

Sakaling, may mga miyembro na wala ang pangalan sa mga master list, maaaring magtungo lamang sa opisina ng PALECO bago ang matapos ang inclusion at exclusion period .

Para sa karagdagang impormasyon patungkol dito, maaari po kayong makipag ugnayan sa Member Services Department sa PALECO Main o sa opisina ng PALECO sa inyong ,mga lugar .

Samantala, nakatakda naman sa buwan ng Hunyo ang eleksyon sa District III (Bgy. Tagburos hanggang Bgy. Langogan), District VI (Narra), District IX(Quezon and Rizal) at District XI ( Taytay, San Vicente at El Nido).


Posted: February 05, 2018
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2017