MGA BAYARIN SA PALECO PAPATAWAN NA NG 12% VAT
Simula ngayong buwan ng Mayo ay papatawan na ng 12% Value Added Tax (VAT) ang mga bayarin sa PALECO. Ito ay dahil kinumpirma ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pamamagitan ni OIC Revenue District Officer Lorenzo C. Delos Santos na ang mga Electric Cooperative (EC's) ay papatawan na ng VAT sa gross receipts nito sa ilalim ng RA 10963 o "Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law" simula January 2018.

Partikular na tinukoy ni G. Delos Santos ang Section 33, Section 108 ng National Internal Revenue Code at Revenue Regulation 13-2018, Section 4.108.3-(f) Sale of electricity by generation, transmission by any entity including the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), and distribution companies including electric cooperative shall be subject to twelve percent (12%) VAT on their gross receipts.

Maaalala na sumulat ang pamunuan ng PALECO sa BIR noong February 8, 2018 para linawin ang pagkakaroon ng VAT ng mga EC's sa ilalim ng TRAIN Law partikular ang mga rehistrado sa Cooperative Development Authority (CDA). Ito ay dahil ayon sa Section 60 at 61 ng RA No. 9520 o ang The Philippine Cooperative Code of 2008, ang mga kooperatiba na rehistrado sa CDA ay exempted sa pagbabayad ng lahat ng uri ng buwis kasama ang VAT.

Dahil dito lahat ng sinisingil ng PALECO na dati ay walang VAT ay papatawan na, maliban sa mga Universal Charges dahil taga-singil lamang ang PALECO nito at napupunta ito sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM).

Kaugnay nito, sisingilin sa mga miyembro ang 12% VAT sa mga bayarin nito simula buwan ng Enero. Narito ang schedule ng gagawing paniningil hanggang marekober ang mga nakalipas na buwan at maiayos ito sa billing system ng PALECO.




Posted: May 16, 2018
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2017