NPC TIE LINE UPGRADING
Ngayong Sabado at Linggo ang huling mga araw sa pag-upgrade ng NAPOCOR sa tie line nito, isasabay na rin dito ang mga paghahanda para sa energization ng 2x25 MVA substation ng PALECO.

Kaugnay nito, magpapatupad ang PALECO ng load curtailment. Habang may activity ang NAPOCOR sa tie line nito hindi ito magagamit at hindi makakapag supply ng kuryente mula sa DMCI Irawan. Taliwas ng mga nakaraang sabado at linggo na nakaka supply ng 5 MW ang DMCI na pinadadaan sa distribution line ng IWAHIG, hindi ito magagawa ngayong Sabado dahil sa NPC Irawan na ang gawain ng NAPOCOR. Tanging PPGI at Delta P ang magsu-supply sa Lungsod ng Puerto Princesa . Mayroon lamang 23 MW na supply mula sa dalawang power provider.

Samantala, DMCI Aborlan. Quezon at Brooke’s Point at PPGI Narra ang magsu-supply sa mga Munisipyo sa South at DMCI Roxas naman sa Bayan ng Roxas. Sa umaga ng Sabado, papatayin ang kuryente sa malaking bahagi ng lungsod dahil may activity sa substation ng PALECO, kailangang ilipat ang tie line, nasa ilalim ng linya ang distribution line at linya ng Delta P. Papatayin ang kuryente sa mga distribution line sa ilalim nito (GMA, Iwahig at San Jose Circuit) gayundin ang linya ng Delta P for safety reasons.Hindi makaka supply ang planta ng Delta P sa mga oras na na may activity sa substation kung kaya magiging malaki ang kakulangan sa supply. Kung kukulangin pa ang supply, papatayin rin ang kuryente sa Chariot Recloser, PILTEL Recloser at Nadayao Recloser.

Sa araw ng linggo, ma-energize na ang substation ng PALECO,bago ito ma-energize kailangan muna i-testing kaya magpapatay ng kuryente sa mga circuit sa lungsod.

Narito ang Schedule ng Load Curtailment sa araw ng Sabado at Linggo.










Posted: May 24, 2017
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2018