POWER SOURCE
Inaprubahan na ng Board of Directors ang waiver ng Palawan Electric Cooperative na nagpapahintulot sa Power Source Philippines Incorporated o PSPI upang maging Qualified Third Party na mangangasiwa ng suplay ng kuryente sa Port Barton, San Vicente, Palawan.

Ipinahayag ni Chairman Jeffrey Y. Tan-Endriga na bagama’t aprubado, kinakailangan munang masiguro ng pamunuan ng PSPI kung paano ang proseso ng pagsisingil ng Subsidized Approved Generation Rate bago tuluyang makapagdagdag ng instalasyon ang kumpanya sa lugar.

Kasalukuyang mayroong mahigit sa 300 mga kabahayan ang isinasailalim sa operasyon ng PSPI, ngunit hindi ito makapagpalawak ng operasyon sa buong Port Barton kung hindi ganap na nauunawaan ng mga consumers ang pagsingil ng SARG.

Bilang tugon, ipinahayag naman ni Engineer Sienna Dumalag ang Communication Relations Officer ng PSPI, na darating ang nagmamay-ari ng PSPI at nakatakdang makipag- usap sa pamunuan ng Palawan Electric Cooperative sampu ng bumubuo sa Board of Directors para sa lalo pang epektibong pagganap bilang Qualified Third Party sa operasyon ng suplay ng kuryente sa Port Barton, San Vicente, Candawaga, bayan ng Rizal, Liminangcong sa Taytay at Riotuba sa Bataraza. Susunod pa nilang paiilawan na lugar ang Berong sa bayan ng Quezon.

Matatandaan na isang liham ang ipinadala ni Gobernador Jose Chavez Alvarez kay Ginoong Pio Benavidez, Pangulo ng Napocor, ipinahayag nito na ang desisyon ay sang-ayon sa EPIRA law na nagsasaad na ang elektripikasyon ay isang malalimang responsibilidad ng distribution utility.

Kaugnay nito, kinansela noong ika – 17 ng Hunyo taong kasalukuyan ang pangangasiwa ng National Power Corporation (Napocor) sa Port Barton Village Electrification Project. Upang masigurong mas matatag at mabilis ang suplay ng enerhiya sa lugar, ang PSPI ang siyang mamamahala sa proyekto.

Ang Power Source Philippines Incorporated ay isang kuwalipikadong ikatlong partido o qualified third party na naisyuhan ng waiver para magkaloob ng elektrisidad sa proyekto sa bansa. Matapos na matasa na hindi makayanan ng distribution utility na makapagsuplay ng enerhiya sa lugar, maaaring pumasok ang sinumang interesadong Qualified Third Party .

Ang Napocor ay maaari lamang na ituring na responsable para sa elektripikasyon ng isang lugar kung walang distribution utility o Qualified Third Party na makakapagserbisyo sa lokalidad.


Posted: July 09, 2018
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2018