NPC STRANDED DEBTS, SISIMULANG SINGILIN SA BUWAN NG AGOSTO 2017
Sisimulang singilin sa buwan ng Agosto ng taong kasalukuyan ng National Power Corporation (NPC) ang Stranded Debts (SD) na halagang PhP0.0265 per kilowatt-hour sa lahat ng mga konsumidores sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ito ay ayon sa ipinalabas na kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) at isang sulat na may petsang Hulyo 26, 2017 mula sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM). Base rito, ang kabuuhang halaga ng NPC-SD ay PhP24,198,852,235.17 ngunit PhP0.0265/kwh lamang ang sisingilin buwan-buwan na karagdagan sa Universal Charge (UC) upang hindi maging mabigat sa mga konsumidores.

Ang NPC-SD ay ang mga naiwang pinansiyal na obligasyon ng NPC matapos ang pagsasapribado nito sa bisa ng Republic Act. 9136 o Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA). Ito ay ang pondong ginamit na pinambili ng iba’t ibang kagamitan o kasangkapan alinsunod sa operasyon ng pagsuplay at transmisyon ng kuryente sa iba’t ibang electric cooperatives.

Samantala, nakasaad rin sa EPIRA ang pagkakatatag ng PSALM na siyang naitalaga upang siguraduhin ang maayos na pagsasapribado ng NPC, kasama ang pangangasiwa sa pondong malilikom upang matiyak na mababayaran ang mga natitirang pinansiyal na obligasyon nito.

Base sa kautusan ang halagang PhP0.0265/kwh ay sisingilin sa loob ng siyam na taon o hanggang sa muling magpalabas ng kautusan ang ERC hinggil sa koleksyon nito. Ang halagang ito ay kokolektahin lamang ng mga electric cooperatives at ibibigay rin sa PSALM para sa nararapat na pamamahagi nito.

Dahil dito, mula sa Php0.3524 na Universal Charge na binububo ng Missionary Electrification, Environmental Share at NPC Stranded Contract Cost, ang kabuuang halaga na ng UC ay magiging PhP0.3789 simula sa buwan ng Agosto:


Posted: August 31, 2017
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2017