NIHE (National Intensification of Household Electrification)
Mahigit sa anim na daang kabahayan ang mabibiyayaan ng programang Nationwide Intensification of Household Electrification (NIHE) sa pamamagitan ng grant assistance funds ng Department of Energy o DOE sa bayan ng Taytay at Rizal.

Sa Electric Power Industry Reform Act of 2001 o EPIRA Law, nakasaad na patakaran ng estadong masiguro at mapabilis ang mawalakang elektripikasyon sa bansa.

Kaugnay nito, isinama sa ipinasang General Appropriations Act taong 2015 ng Kagawaran ng Enerhiya ang pagpapatupad ng naturang proyekto batay sa ipinalabas na utos sa Special Allotment Release Order o SARO.

Sa pamamagitan ng programang NIHE, iba’t ibang pormulasyon at istratehiya sa pagpapatupad ng programa ang gagawin upang mapabilis ang paglalatag ng mga koneksyon ng kuryente sa mga tukoy na lugar na hindi pa abot ng proyektong pailaw ng Paleco.

Sa panayam ng Media Team ng Paleco kay Mayor Romy L. Salvame, alkalde ng Taytay, kanilang isinasailalim pa sa masusing pagtatasa kung sino ang magiging benepisyaryo sa proyektong NIHE.

Ayon naman kay Engineer Crizaldy Felicisimo B. Venus, Power Use and Special Project Section Head ng Member Services Deparrtment ng Paleco, mayroon ng Notice to Proceed ang Paleco. Ang hinihintay na lang umano ngayon ay ang mga dokumentong ipapadala sa DOE para maproseso na ang public bidding.

Mga miyembro ng Proyektong Pantawid Pamilyang Pilipino o 4P’s at mga kababayang may Proof of Indigence mula sa lokal na pamahalaan ang mga kwalipikadong benepisyaryo at prayoridad sa programang ito.

Magbibigay ng tatlong libo pitong daan at limampung piso (P3,750.00) ang Kagawaran ng Enerhiya sa bawat benepisyaryo –dalawang libo at limang daang piso (P 2,500.00) ay ilalaan para sa house wiring materials, pitong daan at limampung piso (P 750.00) sa metro at ang karagdagang limang daang piso ay para sa drop wire na ikakabit naman ng Paleco.

Bukod sa mga pamahalaang local, katuwang din para sa implementasyon ng NIHE ang National Electrification Administration o NEA at ang isang daan at apatnapu’t tatlong (143) mga Distribution Utilities at Electric Cooperatives sa bansa, kasama na ang pagbibigay alalay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Department of Interior and Local Government (DILG).


Posted: July 09, 2018
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2018