BAYAD CONNECT
Sampung (10) mga aktibong retail agent ng bayad connect ang kasalukuyang umaakto sa inisyatibo ng Palawan Electric Cooperative.

Ayon kay Jimmy Agripa Jr., Implementation Manager ng Sales and Support, Ecosystem Department Institutional Banking Group ng Philippine National Bank, nagsisilbing payment center ng mga Paleco consumers’ ang mga akreditong retail agent ng bayad connect na kanilang inaprubahan.

Muli nilang isusulong ang paghimok sa mga consumers na magpatala para maging akreditong retail agent ng bayad connect sa pamamagitan ng caravan na kanilang isasagawa sa bayan ng Narra at Rizal.

Kasunod din nito ang kanilang pagpapalakas ng kanilang information dissemination campaign sa mga istasyon ng radyo at mga lokal na pahayagan ng Palawan sa mga susunod na araw.

Matatandaan na buwan ng Enero ng kasalukuyang taon nang pasimulan ang konsepto ng bayad connect sa lungsod ng Puerto Princesa.

Sa pamamagitan din ng pagiging retail agent ng isang Paleco consumer, maaaring madagdagan ang kaniyang kita at makatutulong pa sa aspetong pangkabuhayan na isa rin sa mga pangunahing layunin ng Palawan Electric Cooperative.


Posted: July 09, 2018
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2018